17 pang mga Pilipino sa ibang bansa ang gumaling na mula sa COVID-19, dahilan upang umakyat na ito sa 7,279 recoveries.
Ayon sa Department of Foreign Affairs (DFA), aabot sa 11,244 na mga Pilipino-abroad ang dinapuan ng virus, kabilang na ang limang bagong kaso ng impeksyon, habang nananatili naman sa 817 ang death toll.
Sa kasalukuyan, nasa 3,148 Filipino-patients ang patuloy paring nilalapatan ng kaukulang lunas.
Base sa ulat ng DFA, 1,810 cases ang naitala sa Asya at Pacific Region, kung saan 510 dito ang active cases.
Nasa kabuuang 1,291 patients naman ang nakarekober na habang siyam ang binawian ng buhay.
Samantala, 7,380 naman na mga Pilipino ang tinamaan ng COVID-19 sa Middle East o Africa, kung saan 2,306 dito ang aktibong kaso, 4,542 ang gumaling na at 532 death toll.
Nasa 1,238 Filipino patients naman ang naitala sa Europa, at 176 ang undergoing treatment, 965 ang recoveries at 97 ang fatalities.
Habang pumalo naman sa 816 cases ang naitala sa America na mayroong 156 undergoing treatment, 481 ang recoveries, at 179 ang pumanaw.