Umabot na sa 13,543 ang bilang ng mga Filipino-abroad na nagpositibo sa COVID-19 matapos na madagdagan ito ng tatlong bagong kaso ng impeksyon.
Pero ayon sa Department of Foreign Affairs (DFA), sampu sa mga kababayan natin sa ibayong dagat ang gumaling na mula sa sakit, dahilan upang umakyat na sa 8,627 ang recoveries, habang nananatili naman sa 935 ang death toll.
Samantala, nasa 3,981 patients parin ang patuloy na nilalapatan ng lunas.
Sa talaan ng DFA, bumaba sa 63.70% at 6.90% ang total COVID-19 recoveries and fatalities kung ikukumpara sa nakalipas na Linggo, at tumaas naman ng 29.40% ang bilang ng mga under treatment patients.