Nasa 153 na ang kabuuang bilang ng firework related injuries matapos ang pagsalubong ng bagong taon.
Ito’y makaraang madagdagan ng 68 bagong tinamaan ng mga paputok sa bansa.
Ayon sa Department of Health, naitala sa Metro Manila ang pinakamataas na bilang na nasa animnapu, dalawampu’t dalawa naman sa Region 1 at Region 6, labindalawa sa Region 3, tig anim sa Region 5, 7 at BARMM, lima mula sa Region 2 at Calabarzon, apat galing sa Region 12, 3 mula sa CAR at isa mula sa 9 at 11.
Kabilang sa top 5 firecracker types ang kwitis na may 35 na kaso, labindalawa sa lucis, sampu sa triangle , labinglima sa boga, habang dalawampu’t apat na kaso naman ang hindi tinukoy akung anong uri ng paputok ang ginamit.
Magugunitang, naman na hindi legal ang paggamit ng triangle at boga kung saan may naitalang kaso ng nasugatan dahil dito.