Bumaba ng 75% ang bilang mga dayuhang mag-aaral sa Pilipinas na nagparenew ng kanilang student visa o permit noong 2020.
Batay ito sa datos ng Bureau of Immigration (BI) bunsod na rin ng mga ipinatupad na mga restriksyon sa pagpasok ng mga dayuhan sa bansa at suspension ng face-to-face classes dahil sa COVID-19 pandemic.
Ayon kay Immigration Commissioner Jaime Morente, umabot laman sa 1,254 ang mga dayuhang nag-apply ng student visa nitong nakaraang taon.
Kumpara ito sa naitalang 4,785 mga dayuhan noong 2019.
Dagdag ni Morente, bumaba rin sa 7,170 bilang ng mga foreign students na nag-renew ng kanilang visa noong 2020.
Tatlumpu’t isang porsyentong pagbaba aniya ito sa mahigit 10,000 mga dayuhang estudyante na nag-extend ng kanilang visa noonng 2019.