Umabot na sa mahigit 130, 741, 152 doses ng COVID-19 vaccines ang na-administered ng pamahalaan kung saan, nasa 61, 058, 862 na ang kabuuang bilang ng mga Pilipinong fully vaccinated na sa tulong na din ng single-dose na Janssen at Sputnik Light jabs.
Sa datos ng National Task Force (NTF) against COVID-19, nasa 52, 262 ng mga batang edad 5 hanggang 11 ang nakatanggap ng unang doses ng reformulated Pfizer jabs habang 8, 011, 994 naman ang may booster shots.
Nauna nang sinabi ng NTF Chief Implementer at Vaccine Czar Secretary Carlito Galvez Jr. na ang mga pagpapabakuna ay malaking tulong upang muling umangat ang ekonomiya ng bansa at ligtas na makababalik ang mga bata sa mga paaralan para sa pisikal na klase.
Sa ngayon, umabot na sa 222, 463, 020 na doses ang natanggap na ng Pilipinas mula sa ibat-ibang mga bansa. —sa panulat ni Angelica Doctolero