Aabot na sa mahigit 36 na milyong katao ang fully vaccinated na laban sa COVID-19 sa bansa.
Sinabi ni Cabinet Secretary at Acting Presidential Spokesman Karlo Nograles, nasa mahigit 95 milyong doses ng bakuna naang naiturok sa mga Pilipino.
Habang nasa higit 54 na milyon naman ang nakatanggap ng first dose ng bakuna.
Dagdag ni Nograles, nasa 600,000 na ang naturukan ng booster shot.
Tiwala naman si Nograles na may sapat na suplay ng bakuna at pondo ang pamahalaan para sa pagtuturok ng ikatlong dose o ang booster shot.