Umabot na sa 41.5 million ang bilang ng mga indibidwal na fully vaccinated na kontra COVID-19 sa buong Pilipinas.
Sa nasabing bilang, mahigit 37.8 milyong katao ang nakatanggap ng kumpletong dose ng COVID-19 habang mahigit 3.6 milyon naman ang nakatanggap ng single-dose ng Janssen vaccine.
Ayon kay Acting Presidential Spokesperson at Cabinet Secretary Karlo Nograles, nasa kabuuang 97.2 milyong doses ng COVID-19 vaccines ang naiturok sa bansa.
Sinabi pa ni Nograles, nasa 809,550 indibidwal ang nakatanggap ng booster shots.
Kumpyansa aniya ang pamahalaan na mababakunahan ang 54 milyong Pilipino bago matapos ang taon.