Pumalo na sa 45.2 milyon ang bilang ng mga indibidwal sa bansa, na fully vaccinated na laban sa COVID-19.
Sa datos na iprinisinta ni Acting Presidential Spokesperson Karlo Nograles, 3.7 milyong katao ang naturukan ng single-shot Johnson & Johnson COVID-19 vaccine habang mahigit 60 milyong indibidwal naman ang nakatanggap ng first dose.
Sa ngayon ay umabot na sa 102.9 milyon ang bilang ng mga naiturok na bakuna kontra COVID-19 sa buong kapuluan.
Target ng pamahalaan na maturukan ng kumpletong dose ng bakuna ang 54 milyong pinoy bago matapos ang taon, 77 million sa March 2022, at 90 million bago matapos ang panunungkulan ni Pangulong Rodrigo Duterte sa June 30, 2022.