Pumalo na sa mahigit 38.1 milyong katao ang fully vaccinated na kontra COVID-19 sa Pilipinas.
Ayon kay Health Secretary Francisco Duque, III, nasa 56.7 milyong indibidwal naman ang nabigyan ng first dose kung saan nahigitan nito ang target na maiturok na 54 million doses sa pagtatapos ng Nobyembre.
Sa kabuuan, umabot na sa siyamnaput isang doses ng COVID-19 vaccines ang naiturok sa buong bansa hanggang nitong December 5.
Sinabi pa ng kalihim na target ng pamahalaan na mabigyan ng kumpletong bakuna ang limamput apat na milyong Pilipino bago matapos ang taon.