Umabot na sa 8,844 aang kabuuang bilang ng mga tinamaan ng COVID-19 sa hanay ng Philippine National Police (PNP).
Ito’y ayon sa PNP health service ay matapos na makapagtala sila ng 23 bagong kaso ng virus.
Siyam sa mga ito ay mula sa Eastern Visayas, pito mula sa Cagayan Valley Region, apat mula sa National Operations Support Unit, dalawa sa Bangsamoro Autnomous Region at isa sa Davao Region.
Mula sa kabuuang bilang ng mga tinamaan ng virus, 309 dito ang aktibong kaso matapos madagdagan ng 33 ang bilang ng mga gumaling.
Kaya naman umakyat na sa 8,508 ang kabuuang recoveries ng COVID-19 sa PNP habang nananatili sa 27 ang bilang ng mga nasawi.