Umabot na sa 8,817 ang gumaling o nakalabas na ng ospital na mga Pilipinong tinamaan ng COVID-19 sa ibang bansa.
Samantalang 4,017 naman ang patuloy na nagpapagaling mula sa 13,779 na kabuuang kaso ng COVID-19 batay sa tala ng Department of Foreign Affairs ngayong araw ng Sabado, Enero 23.
Habang 945 naman ang kabuuang namatay.
Matatandaang mula sa 84 na bansa ang bilang na mga Pilipinong naitalang positibo sa naturang virus. — sa panulat ni Agustina Nolasco