Sumampa na sa 1,321,050 ang kabuuang bilang ng mga gumaling sa COVID-19 sa Pilipinas.
Ito’y matapos makapagtala ang Department of Health (DOH) ng 6,912 na bagong recoveries.
Batay sa case bulletin ng DOH, nagkaroon naman ng 6,096 na bagong kaso dahilan upang sumirit sa 1,397,992 ang bilang ng mga tinamaan ng impeksiyon sa bansa.
Sa nasabing bilang, ayon sa DOH, nasa 52,570 ang active cases.
Samantala, nadagdagan naman ng 128 ang bilang ng mga nasawi kaya’t pumalo na sa 24,372 ang death toll sa buong kapuluan.