Umabot na sa 1,725,218 ang bilang ng mga gumaling sa COVID-19 sa bansa.
Ayon sa Department of Health (DOH), ito’y matapos na madagdagan ng 15,820 ang bilang ng mga nakarekober.
13,573 naman ang bagong naitalang kaso ng COVID-19 kaya’t 1,883,088 na ang kabuuang kaso ng mga dinapuan ng virus.
Sa naturang bilang, 125,378 o 6.7% ang nananatiling aktibo sa COVID-19.
Samantala sa kaparehong case bulletin, naitala ang 228 na bagong nasawi sa COVID-19 kaya’t umabot na sa 32,492 ang death toll sa bansa.