Unti-unti nang nahahabol ng bilang ng mga pulis na gumaling sa COVID-19 ang kabuuang bilang ng mga kumpirmadong kaso nito sa hanay ng Philippine National Police (PNP).
Ito’y makaraang mas marami ang naitalang recoveries batay sa pinakahuling datos ng PNP health service kumpara naman sa mga nagpositibo sa virus.
Batay sa datos, 28 ang naitalang bagong kaso ng PNP kaya’t umakyat na sa 7,799 ang kabuuang bilang ng mga nagpositibo sa virus.
7 ang naitala sa NCRPO, 6 sa Davao Regional Police Office, 4 sa Central Luzon, 3 sa Eastern Visayas, tig-dalawa ang naitala sa Cordillera Regional PNP at Northern Mindanao habang tig-isa naman ang naitala sa national operations support unit at Central Visayas PNP.
Samantala, 49 naman ang naitalang bagong recoveries ang PNP mula sa virus kaya’t umakyat na ang kabuuang bilang nito sa 7,412.
Ito ang dahilan kaya’t bumaba na sa 362 ang total active cases habang nananatili pa rin sa 25 ang bilang ng mga nasawi.