Sumampa na sa 40,191 ang bilang ng mga gumaling sa COVID-19 sa hanay ng Philippine National Police (PNP).
Ito ay makaraang makapagtala ang PNP Health Service ng 54 na bagong recoveries.
Nagkaroon naman ng 66 na bagong kaso kaya’t sumirit na sa 41,266 ang bilang ng impeksiyon sa PNP.
Sa kasaluyan, nasa 953 ang active cases habang umakyat naman sa 122 ang bilang ng mga nasawi.