Aabot na sa halos 11,000 ang bilang ng mga nagpositibo sa COVID-19 sa hanay ng Philippine National Police (PNP).
Ito’y ayon sa Administrative Support to COVID-19 Operations Task Force (ASCOTF) ay batay sa datos mula sa PNP health service nitong nakalipas na araw.
Batay sa pinakahuling datos, 10, 993 na ang kabuuang bilang ng tinamaan ng COVID-19 sa PNP makaraang madagdagan ito ng 53.
Labing pito (17) ang naitala sa National Support Units, pito ang naitala sa Northern Mindanao, anim naman ang naitala sa Caraga Regional PNP habang tig-lima naman mula sa NCRPO at Central Visayas.
Tatlo ang naitala sa Cagayan Valley Region, habang tig -isa ang naitala sa Bicol, Zamboanga Peninsula, Davao at Soccsksargen Regions.
Mula sa nabanggit na bilang, 425 rito ang aktibong kaso o kasalukuyang ginagamot habang 44 naman ang mga bagong gumaling sa sakit dulot ng virus.
Dahil dito, nasa 10, 537 na ang total recoveries sa PNP habang nananatili pa rin sa 31 ang bilang ng mga nasawi.