Umakyat na sa halos 3,000 ang mga gumaling sa coronavirus disease 2019 (COVID-19) sa bansa.
Ito ayon sa Department of Health (DOH) ay matapos maitala ang 114 na bagong recoveries sa nakalipas na magdamag.
Naitala naman sa 12,942 na ang natatamaan ng COVID-19 matapos maitala ang 224 na bagong tinamaan ng nasabing virus.
Nadagdagan naman ng 6 ang death toll sa COVID-19 sa nakalipas na magdamag at ngayo’y nasa 837 na.
Ayon kay Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire, sa mga bagong kaso, 174 o 78% ay mula sa Metro Manila; 17 mula sa Region 7; at ang 33 ay mula na sa ibat ibang bahagi ng bansa.