Pumalo na sa 3,889,160 ang kabuuang kaso ng COVID-19 sa bansa matapos na makapagtala ang Department of Health ng 2,812 new COVID-19 infections.
Bumaba naman sa 23,571 ang active cases mula sa 23,703 nitong nakaraang Biyernes.
Naitala ng National Capital Region ang pinakamataas na bilang ng mga bagong kaso ng COVID-19 sa nakalipas na dalawang linggo na umabot sa 9,900, sinundan ng CALABARZON na mayroong 4,774, Central Luzon – 3,227, Western Visayas – 1,636 at Davao Region – 1,482.
Umakyat naman sa 3,803,627, ang mga gumaling mula sa virus habang nasa 61,962 naman ang naitalang new fatalities.