Nadagdagan pa ng 28 ang bilang ng mga healthcare workers na nahawaan ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) sa bansa.
Dahil dito, umakyat na sa 2,480 ang kabuuang bilang ng mga healthcare workers na nagkaroon ng COVID-19.
Ayon kay Health undersecretary Maria Rosario Vergeire, sa nabanggit na bilang 1,221 ang itinuturing na active case habang 1,229 na ang nakarekober.
Sa mga aktibong kaso naman aniya ay walang nasa kritikal na kondisyon, 273 ang asymptomatic, 946 ang may mild na sintomas, at dalawa ang may severe symptoms.
Dagdag ni Vergeire, walang nadagdag sa bilang ng mga bagong nasawing healthcare workers dahil sa COVID-19 at nananatili pa rin sa 31 ang kabuuang bilang nito.