Tumaas ang bilang ng mga hinahawakang kaso ng PNP Internal Affairs Service o PNP IAS hinggil sa mga naitatalang pagpatay kaugnay sa kampaniya ng pamahalaan kontra iligal na droga
Sa pagpapatuloy ng pagdinig ng Senate Committee on Justice and Human Rights, sinabi ni Atty. Maria Lynnberg Constantinopla, pinuno ng intellegence and investigation office ng IAS na umabot sa 1,500 motu propio cases ang kanilang nahawakan mula Hulyo hanggang Setyembre
Tatlongdaang kaso rito ang naisara at ibinasura na sa kadahilanang nangyari iyon sa isang lehitimong operasyon
Kasunod nito, ginisa ni Senate Committee Chair Richard Gordon si Constantinopla dahil sa aniya’y hindi maayos na pag-iimbestiga sa mga naturang kaso
By: Jaymark Dagala / Cely Bueno