Tinatayang 7.2 milyong botante ang na-disenfranchised o hindi na makakaboto sa 2016 national and local elections.
Ito, ayon kay Senator Loren Legarda, ay dahil sa hindi nakaboto sa dalawang magkasunod na eleksiyon o kaya’y kulang sa biometrics data.
Sa pagdinig ng senado sa panukalang P15.54 billion budget ng COMELEC, tinukoy na 2.4 million voters ang walang biometric registration habang 6 million ang naalis sa listahan dahil hindi nakaboto noong 2013 elections.
Gayunman, sinasabing sa 6 million deactivated voters ay 1.2 million naman sa mga ito ay nakapag-reactivate ng kanilang registration.
Inihayag naman ng COMELEC na mayroong 54.5 million qualified voters para sa halalan sa susunod na taon.
By Jelbert Perdez