Patuloy na tumataas ang bilang ng mga Pilipinong ayaw magpabakuna kontra COVID-19.
Batay sa survey na inilabas ng OCTA Research na inilabas mula Setyembre 11 hanggang 16 sa 1,200 respondents, nasa 22% ang hindi handa na magpabakuna kung saan mas mataas ito kumpara nuong Hunyo.
Ayon kay Prof. Ranjit Rye, mas tumaas ang bilang ng mga Pilipinong ayaw magpabakuna mula quarter 2 hanggang quarter 3.
Habang nasa 61% naman ang nagsasabi na handa silang magpabakuna o nabakunahan na sila.
Naitala ang pinakamataas na bilang ng mga ayaw magpabakuna kontra COVID-19 sa Visayas na pumalo sa 32%, sinundan ng Luzon na may 24%, sumunod ang Mindanao na may 19% at ang pinakamababa ay naitala sa Metro Manila na may 5%.
Base sa survey, ilan sa mga dahilan kung bakit ayaw magpaturok ng bakuna ang ilang Pilipino ay dahil sa takot sa injection, maaaring mamatay matapos magpabakuna, side effects, hindi na kailangan ang bakuna, at hindi ito ligtas at epektibo sa katawan.