Nasa 30% ang posibleng bilang ng mga residenteng hindi pa bakunado kontra COVID-19 sa National Capital Region (NCR).
Ito ang sinabi ni Department of the Interior ang Local Government (DILG) Undersecretary for Barangay Affairs Martin Diño kaugnay sa unvaccinated individuals.
Aniya, posibleng lumampas na rin sa 70% o naabot na ng rehiyon ang herd immunity kaya’t mapapansin na kahit maraming kaso ng hawaan ng nasabing virus, ito ay mild cases lamang.
Samantala, nilinaw ng DILG na hindi lahat ng barangay sa NCR ang nakapagsumite ng listahan ng mga hindi pa nababakunahan. —sa panulat ni Airiam Sancho