Tumaas ng halos 12% ang bilang ng mga Filipino seafarers na idineploy o naipadala sa ibang bansa nitong Setyembre.
Ito ay sa kabila ng nararanasang pandemiya dulot ng COVID-19 na nakaapekto sa industriya sa buong mundo.
Batay ito sa datos ng Department of Labor and Employment (DOLE), umabot sa mahigit 46,000 na Filipino seaman ang ipinadala sa ibang bansa nitong Setyembre.
Halos 1,000 itong mataas sa naitalang mahigit 41,000 na idineploy na Pinoy seaman noong nakaraang taon sa kaparehong buwan.
Sinabi ni DOLE Undersecretary Joji Aragon, nangangahulugan itong sumisigla na ang pagdedeploy ng pilipinas ng mga seafarer hindi lamang sa cargo at oil kundi maging sa cruise line.
Isa ang Pilipinas sa pinakamalaking source ng seafarer sa buong mundo.