Nagsimula nang dumami ang COVID-19 patients confined sa St. Luke’s Medical Center at East Avenue Medical Center sa pagsisimula ng bagong taon.
Aminado si St. Lukes Medical Center president and C.E.O., Dr. Arturo De La Peña na sadyang nakababahala ang biglang paglobo ng mga inaadmit sa kanilang ospital bukod pa sa mga staff nilang nahahawa ng COVID-19.
Ayon kay De La Peña, sa ngayon ay mayroong 43 COVID-19 patients ang naka-confine sa Saint Luke’s sa Global City, Taguig habang 32 sa Quezon City kumpara sa 10 lamang bago ang pagsalubong sa taong 2022.
Karamihan anya o 40% ng naka-confine ay hindi bakunado kontra habang 40% din ang fully vaccinated at 10% ang nakatanggap na ng booster shots.
Sa East Avenue Medical Center naman sa Quezon City, kinumpirma ni Lorena Tuico Perdigon, Health Education and Promotion Officer na nasa 32.62% increase o 151 na ang naka-confine na COVID-19 patients ngayong unang linggo ng taong 2022 kumpara sa 117 bago ang pagsalubong sa bagong taon.
Samantala, 23 health workers na ang dinapuan ng COVID-19 sa St. Luke’s Global City, 28 sa St. Luke’s Quezon City at 5 sa East Avenue.