Aabot sa 5,903 individuals o katumbas ng 1,511 pamilya ang apektado ng bagyong Betty.
Batay ito sa pinakahuling datos ng National Disaster Risk Reduction and Management Council, kung saan, mula ang mga apektadong mamamayan sa 47 barangay sa Region 2, Region 6 at Cordillera Administrative Region.
Sa nasabing bilang, nasa 875 pamilya ang kasalukuyang nananatili sa 20 evacuation centers at 110 na pamilya naman ang nanunuluyan sa kanilang mga kamag-anak.