Dumami pa ang bumili ng Lechon sa La Loma, Quezon City nitong Pasko kumpara noong nakaraang taon.
Gayunman, mas naging mabenta ang kada kilo ng lechon kumpara sa isang buo at para mas ma-engganyo ang mga costumer ay may freebies tulad ng chicharon, bopis, dinuguan at diskwento.
Naglalaro sa P6,500 hanggang P20,000 ang isang buong lechon depende sa laki habang P1,400 ang kada kilo at P500 ang kada kilo ng pata o ulo.
Ikinatuwa naman ng samahan ng lechonero ang paglakas muli ng bentahan matapos ang kaliwa’t kanang lockdown dahil sa Covid-19 pandemic.
Samantala, muling pina-alalahanan ng Philippine Medical Association ang publiko, partikular ang mga senior citizen na maghinay-hinay sa pagkain upang maiwasan ang mga sakit, gaya ng Highblood at Diabetes. – sa panulat ni Jenn Patrolla