Umakyat na sa 611 ang mga indibidwal na naaresto ng Philippine National Police (PNP) matapos lumabag sa ipinatutupad na gun ban sa gitna ng 2022 elections.
Ayon sa PNP, 28 rito ang nadagdag na pawang mga sibilyan.
Nasabat sa kanila ang 18 armas, 13 deadly weapons at anim na pung ammunitions.
Nagmula ang mga ito sa; Angeles City, Antipolo City, Batangas, Ormoc, Cagayan De Oro City, Iloilo, Misamis Oriental, Malabon, Pasig, Manila, Parañaque, Bacoor, Rizal Province, Zamboanga, Cebu City, Bukidnon, Pasay, Mandaluyong, Muntinlupa at Valenzuela.
Hanggang ngayong araw, nasa 4,914 checkpoint na ang nailagay sa bansa. —sa panulat ni Abigail Malanday