Bahagyang bumaba ang bilang ng mga registered live birth noong 2023.
Sa tala ng Philippine Statistics Authority, mayroong 1, 448,522 na registered live births noong 2023, mas mababa ng .5% mula sa 1,455,393 noong 2022.
Batay sa datos, mayroong average na 3,969 na sanggol ang ipinanganak araw-araw noong nakaraang taon, bahagyang mas mababa kaysa sa average na 3,987 na sanggol na ipinanganak araw-araw noong 2022.
57.5% ng mga ito ang nagmula sa Luzon at pinakamarami sa Calabarzon, sinundan ng National Capital Region.
Samantala, lumabas din sa ulat na na karamihan sa mga ipinanganak na sanggol ay bunga ng mga magulang na hindi kasal. - Sa panualt ni Laica Cuevas