Aabot na lamang sa 790 mga lugar sa buong bansa ang nakapailalim sa granular lockdown upang maiwasan ang pagkalat ng COVID-19.
Ayon sa Philippine National Police (PNP), mas mababa ito kumpara sa naitalang 900 lugar na isinailalim sa granular lockdown sa buong bansa kahapon.
Nanguna sa mga may pinakamaraming naka-granular lockdown ay ang Cordillera na may 336, sinundan ng Ilocos Region na may 195 at Cagayan Valley na may 164.
Samantala, sinabi naman ng PNP na aabot sa may 1,057 pamilya o katumbas 38, 598 na indibidwal ang apektado ng granular lockdown sa bansa.
Binabantayan ito ng may 316 miyembro ng Pulisya katuwang ang nasa 950 force multipliers upang matiyak na nasusunod ang health protocols sa mga apektadong lugar. —sa ulat ni Jaymark Dagala (Patrol 9)