Bumaba ang bilang ng krimen na kinasasangkutan ng mga menor de edad matapos ipatupad ang ‘curfew’ sa Quezon City.
Ayon kay Quezon City Police District (QCPD) Director Police Chief Superintendent Guillermo Eleazar, sa pamamagitan ng ‘curfew’ ay mabibigyan ng sapat na kaalaman ang mga kabataan para mailayo sila sa panganib.
Paliwanag pa ni Eleazar, hindi pinarurusahan ng mga pulis ang mga menor de edad na kanilang dinadampot kung hindi sa halip ay ang kanilang mga magulang o guardian.
Patunay aniya ang nasabing pagbaba ng bilang ng krimen na epektibo ang ipinatutupad na ordinansa sa ‘curfew’ sa lungsod.