Nababahala ang Commission on Population and Development dahil sa patuloy na pagtaas ng bilang ng mga batang nabubuntis, partikular na sa mga 15-anyos, pababa.
Dahil dito, iginiit ni CPD Undersecretary Lisa Grace Bersales, kailangan na ng agarang aksyon tulad ng pagtulak para sa komprehensibo at age-sensitive na sexual education.
Batay aniya sa datos ng Philippine Statistics Authority, lumobo ang bilang ng mga batang babae na may edad 10 hanggang 14 ang nanganak, na umabot na sa 3,343 noong 2023; mas mataas aniya ito ng 6.6% sa 2,411 noong 2019.
Dagdag pa ni Bersales mayroon ding naitalang 38 batang babae na wala pang 15-anyos ang nakaranas ng paulit-ulit na pagbubuntis noong 2023; habang 17 kababaihan naman ang sinasabing wala pang 20-anyos ang nakapanganak ng limang beses o higit pa. – Sa panulat ni John Riz Calata