Pumalo na sa 200 ang bilang ng mga kabataang nasawi dahil sa malnutrion sa Somalia.
Ayon sa United Nations Office for the Coordination of Humanitarian Affairs (UNOCHA), naitala ang kabuuang bilang mula noong buwan ng Enero bunsod “Catastrophic food insecurity” o kawalan at kakulang ng suplay ng mga pagkain sa kanilang bansa.
Bukod pa dito, naging dahilan din sa naturang isyu ang tag-tuyot kung saan, ito na ang ika-4 na linggo na hindi parin nakakaranas ng tag-ulan ang naturang bansa dahilan para maraming pamilya ang naapektuhan at nakaranas ng matinding gutom.
Sa ngayon, umabot na sa 7 milyong katao ang apektado, mula sa datiing 6.1 milyon noong buwan ng Mayo, ngayong taon.