Inaasahang tataas ang bilang ng mga kabataang walang trabaho sa mga susunod pang taon.
Ito ay batay sa ulat ng International Labor Organization kung saan nananatili pa rin sa unang puwesto ang Indonesia bilang pinakamaraming kabataang walang trabaho habang inaasahan ang pagtaaas sa Malaysia at Pilipinas.
Posibleng ang problema umanong ito ay dahil sa hindi pagiging handa ng mga kabataan sa paglawak ng kaalaman sa teknolohiya.
Pagdating sa Global Employment Trends for Youth 2017, ayon sa ILO ang Pilipinas ang isa sa nangungunang may ambag sa mga kabataang walang trabaho sa Southeast Asia at Pacific Region.
Ayon sa United Nations nasa edad na 15 hanggang 24 anyos ang mga itinuturing na kabataan.
—-