Pumalo na sa kabuuang 48,723 ang kabuuang bilang ng mga dinapuan ng COVID-19 sa hanay ng Philippine National Police (PNP).
Ito’y matapos na maitala ng pnp health service ang 24 na bagong kaso ng virus.
286 naman ang bilang ng mga aktibong kaso sa COVID-19.
Habang 48,309 na ang bilang ng mga nakarekober sa COVID-19.
Samantala, nananatili sa 128 ang kabuuang bilang ng mga nasawi sa COVID-19 sa PNP. —sa panulat ni Airiam Sancho