Bumaba ng 89.47 percent ang kaso ng ligaw na bala sa pagsalubong sa taong 2017 kumpara sa pagsalubong sa 2016.
Ayon kay Senior Superintendent Dionardo Carlos, tagapagsalita ng Philippine National Police (PNP), apat na kaso ng ligaw na bala lamang ang naitala ng PNP sa pagitan ng alas-5:00 ng hapon ng Disyembre 31 at alas-5:00 ng umaga ng Enero 1, 2017 at napakalayo nito sa naitalang 38 kaso sa kaparehong panahon noong 2015.
Itinuro ni Carlos sa pinaigting na pagmamatyag at maximum deployment ng PNP ang pagbaba ng bilang ng insidente ng ligaw na bala.
Indiscriminate firing
Samantala, mayroon lamang sampung (10) araw para mag-report sa kanilang mother units ang apat na pulis na sinasabing nagpaputok ng baril sa pagsalubong sa 2017.
Sinabi ni Senior Supt. Dionardo Carlos, tagapagsalita ng PNP, na kailangan nang lumabas ang mga ito para hindi sila maituring na absent without leave o AWOL.
Ayon kay Carlos, agad hihingan ng paliwanag ang apat na pulis at agad naman iimbestigahan ang mga ito.
By Katrina Valle | Jonathan Andal (Patrol 31)