Tumaas pa ang bilang ng mga kaso ng pinsalang dulot ng mga paputok nitong nakalipas na holiday season.
Batay sa pinakahuling datos ng Department of Health (DOH), mula December 21, 2022 hanggang ngayong araw ay umabot na sa 211 ang mga kaso.
Sinabi pa ng kagawara, 74 na mga bagong kaso na naitala nitong January 1 at 2.
Dagdag ng kagawaran na ang 211 cases ay 16 percent na mas mataas kumpara sa 182 cases sa kaparehong panahon ng nakalipas na taon.
Mayorya o nasa 102 na mga kaso ay naitala sa National Capital Region (NCR).
Nasa 25 cases naman ang naitala mula sa Western Visayas at 20 cases naman mula sa Central Luzon .
Ang top 5 na paputok na nakadisrasya sa mga biktima ay pinangunahan ng kwitis na may 45 cases , boga na may 27 cases ,19 cases ay bunsod ng 5 star, at tig-12 ay dahil sa fountain at mga hindi tukoy na paputok.
Samantala, nasa 76 na kaso ay nadale sa kamay, 59 sa mata, 29 sa binti, 25 sa ulo at 23 naman sa braso.
Sa ngayon, wala pang naitatalang nasawi dahil sa paputok at wala ring firework ingestion o napaulat na nabiktima ng stray bullet o ligaw na bala.