Tumaas ang bilang ng mga kidnapping cases sa bansa ngayong taon.
Batay sa datos ng Philippine National Police Anti-Kidnapping Group (PNP-AKG), halos kalahati sa mga naturang kaso ay kinasasangkutan ng mga Chinese nationals.
Lumabas din sa datos na sa 75 na kaso ngayong taon, 42 ang iniuugnay sa Philippine Offshore Gaming Operators (POGO) at casinos.
Sangkot umano sa POGO kidnapping ay mga empleyadong Chinese na sapilitang pinapabalik sa trabaho ng kanilang mga employer.
Kabilang din sa mga modus ng pangingidnap ay ang pangungutang ng malaking halaga o mga Chinese loan sharks sa kanilang mga kapwa Chinese tourist na kalauna’y hindi na nababayaran kaya’t nauuwi na lamang ito sa pandurukot at pagpapahirap sa mga ito.
Samantala, patuloy pa rin ang imbestigasyon sa kamakailan lamang na nangyaring pandurukot sa isang babaeng Chinese national sa Makati City.