Muling bumulusok ang public satisfaction ratings ng Supreme Court, Kongreso maging ng gabinete ni Pangulong Rodrigo Duterte, noong ikalawang quarter o mula Abril hanggang Hunyo.
Ito’y batay sa Social Weather Stations o SWS survey sa isanlibo dalawandaang (1,200) respondents noong Hunyo 27 hanggang 30.
Umani ng pinakamababang rating ang Kamara de Representantes na “moderate” o positive 25 points noong Hunyo kumpara sa “good” o positive 35 points noong Marso.
Nananatiling “good” o positive 41 points ang net satisfaction rating ng Senado kumpara sa positive 45 noong Marso; Supreme Court, moderate o positive 19 at gabinete ng Pangulo, positive 25.
—-