Ikinabahala na ng Land Transportation Office ang lumulobong bilang ng mga kaso ng drunk driving o mga nagmamaneho kahit nakainom ng alak.
Ito’y matapos i-ulat ng Law Enforcement Service-Anti-Drunk and Drugged Driving Enforcement Unit ng LTO na sa 402 car crash incidents na nirespondehan, 353 ang nasa impluwensya ng alak o lasing.
Sa nasabing bilang, mayroong 15 fatalities habang 232 ang injured.
Nagbabala naman ang ahensya sa sinumang mahuhuling nagmamaneho nang nakainom o mahigit .05 percent ng alcohol ay mahaharap sa kasong paglabag sa Republic Act 10856 o Anti-Drunk and Drugged Driving Act of 2013.