Mula 393, ay tumaas sa 449 ang bilang ng mga lugar na nakapailalim sa granular lockdown.
Batay sa datos ng Philippine National Police, 290 na mga lugar ay mula sa Cordillera, 111 sa Ilocos, 22 sa Cagayan, 21 sa National Capital Region, apat sa Mimaropa, at isa sa Zamboanga.
Apektado ng ipinatutupad na lockdown ang 803 indibidwal.
Tinututukan ng 177 personnel at 435 force multipliers ang mga lugar na naka-granular lockdown upang matiyak na nasusunod ang minimum health standards.—mula sa ulat ni Jaymark Dagala