Muling nadagdagan ang bilang ng mga lugar sa bansa na nakasailalim sa granular lockdown.
Batay sa datos ng Philippine National Police (PNP), mula 170, umakyat na sa 206 ang mga lugar na naka-lockdown dahil sa pagtaas ng mga kaso ng COVID-19.
103 na mga lugar dito ay mula sa National Capital Region (NCR), 57 sa Cagayan; 32 sa CALABARZON; lima sa MIMAROPA; at isa mula sa Cordillera.
Apektado ng lockdown ang nasa 866 na mga indibidwal.
Aabot sa 291 na pulis at 326 na force multipliers ang nakakalat sa mga lugar na naka-granular lockdown.