Bumaba na ang bilang ng mga lugar sa Pilipinas na mahigpit na binabantayan dahil sa banta ng African Swine Fever (ASF).
Batay sa datos ng Bureau of Animal Industry (BAI), mula sa 61 barangay na nakasailalim sa surveillance, bumaba na ito sa 36 ngayon.
Naghihintay na rin ang Department of Agriculture (DA) para sa bakuna kontra ASF na posibleng gamitin sa bansa.
Maliban sa ASF, aprubado na rin ngayon ng DA ang special import permit para sa bakuna kontra Inclusion Body Hepatitis (IBH) na nakamamatay sa mga manok.