Bumaba pa ang bilang ng mga lugar sa National Capital Region (NCR) na nakasailalim sa granular lockdown, ayon sa Philippine National Police (PNP).
Mula sa dating 131, ngayon ay nasa 125 na lamang ang bilang ng mga lugar sa Metro Manila na naka-lockdown.
Batay sa PNP, ang mga lugar na naka-granular lockdown ay mula sa 83 mga Barangay kung saan kabilang dito ang 72 na kabahayan, 24 subdivisions, 18 residential building, anim na kalsada, at isang residential building floor.
Nasa 420 PNP personnel at 485 force multipliers naman ang idineploy sa mga lugar na naka-lockdown upang matiyak ang seguridad at nasusunod ang minimum health standards.—sa panulat ni Hyacinth Ludivico