Umakyat na sa 29 na mula sa 27 ang bilang ng mga lugar na nasa ilalim ng granular lockdown sa buong bansa.
Batay sa datos ng Philippine National Police (PNP), nasa 22 sa mga lugar na ito ang naiulat ng National Capital Region Police Office (NCRPO) na saklaw ng Metro Manila.
Habang anim na lugar naman ang naiulat ng police regional office sa MIMAROPA, habang isa sa Cordillera Region.
Ayon sa PNP, hindi bababa sa pitumpu na indibidwal ang apektado ng granular lockdown sa National Capital Region (NCR).