Bumaba na ang bilang ng mga lugar sa bansa na isinailalim sa granular lockdown dahil sa pagtaas ng kaso ng COVID-19.
Batay sa datos ng Philippine National Police (PNP), bumaba na ito sa 489 na 42.67% na mas mababa kumpara sa naitala noong nakaraang linggo na nasa 853.
Kinabibilangan ito ng 611 kabahayan at 1,077 indibidwal.
Nasa 73 pulis naman ang idineploy sa lugar kasama ang 190 force multipliers.
Pinakamaraming naka-granular lockdown sa Cordillera Administratice Region, sinundan ng NCR, MIMAROPA at Zamboanga Peninsula. —sa panulat ni Abby Malanday