Tumaas ang bilang ng mga lugar sa bansa na nakasailalim sa granular lockdown.
Sa ulat ng Philippine National Police (PNP), mula 85 ay umakyat na ito sa 116, kung saan 76 na lugar ay mula sa NCR, 33 sa Cagayan, lima sa MIMAROPA at tig-isang lugar sa Ilocos at Cordillera.
Apektado ng lockdown ang nasa 446 indibidwal.
Aabot sa 191 na pulis at 225 na force multipliers ang nakakalat sa mga lugar na naka-granular lockdown.