Umabot na sa 2,670 ang bilang ng mga lumabag sa COMELEC Gun Ban ngayong nalalapit na eleksyon.
Batay sa datos ng PNP Command Center, mayorya ng mga naaresto ay sibilyan na nasa 2,568; 44 ang security personnel; 16 ang miyembro ng PNP; 17 ang tauhan ng AFP at 25 ang iba pa.
Sa bilang ng naaresto, 99 dito ang nagmula sa NCR; 293 sa Region 7; 291 sa Region 4A; 196 sa Region 3 at 154 mula sa Region 6.
Nakumpiska sa mga ito ang; 2,019 armas, 989 pampasabog at mahigit 10,000 bala.
Mula Enero 9 hanggang kasalukuyan, nasa 2, 549 checkpoint operations na ang naisagawa ng PNP.