Patuloy ang pagtaas ng bilang ng mga lumalabag sa nationwide election gun ban.
Ayon sa datos ng PNP National Election Monitoring and Action Center o NEMAC, halos 2,000 katao na ang naaresto dahil sa pagbibitbit ng baril.
Karamihan umano sa mga ito ay mga sibilyan habang may mga nahuli ring sekyu, government officials, pulis, sundalo, miyembro ng law enforcement agencies, dalawang militiamen, foreign nationals, at isang jail officer.
Ayon kay PNP Spokesman Chief Supt. Wilben Mayor, bukod sa mga nasamsam na baril, pampasabog at gun replicas ay may mga nagkusa ring isuko ang kanilang mga armas.
Giit ni Mayor, ang mga nahuli ay nahaharap sa kasong paglabag sa Omnibus Election Code of the Philippines.
By Jelbert Perdez