Pumalo na sa 1,200 indibidwal ang naaresto ng Philippine National Police (PNP) matapos lumabag sa umiiral na election gun ban.
Batay sa datos ng PNP, 966 sa mga ito ay sibilyan, walo ang pulis, pito ang sundalo at labing-tatlo ang security guard.
Pinakamarami sa naaresto ay nagmula sa; Metro Manila na may 330, sinundan na Central Luzon na may 120, Calabarzon na may 99, Central Visayas na may 87 at 51 sa Western Visayas.
Nakuha sa mga ito ang 771 armas, 290 kutsilyo, 57 pagpasabog at 4 thousand 771 mga bala.
Simula nitong Enero a-nuwebe, umabot na sa 881 operasyon ang naisagawa ng PNP sa buong bansa.—sa panulat ni Abby Malanday